Itatayong high rise building sa Quiapo hindi papayagan ni Mayor Isko Moreno

By Dona Dominguez-Cargullo July 04, 2019 - 10:54 AM

Hindi papayagan ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagtatayo ng high rise building sa likod ng Quiapo Church.

Ang plano para sa pagtatayo ng nasabing gusali ay inaprubahan ng nakaraang administrasyon kung saan 9 na palapag na commercial building ang itatayo 10 metro ang layo sa Quiapo Church.

Kalaunan, hiniling ng developer na gawing 12 storey building ang itatayo, at kalaunan ay itinaas pa sa 37 storeys.

Sinabi ni Moreno na magiging panibagong photobomber na naman ito.

Wala naman aniyang problema sa pagtatayo ng mga gusali pero ibang usapan na kung may tatamaang heritage na istruktura.

Nais ni Moreno na marebisa niya ang lahat ng dokumento para sa mga gusaling itatayo sa Maynila.

TAGS: high rise building, manila, Quiapo Church, high rise building, manila, Quiapo Church

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.