Karamihan sa mga biktima ng food poisoning sa birthday party ni dating unang ginang Imelda Marcos nakalabas na ng ospital

By Dona Dominguez-Cargullo July 04, 2019 - 10:15 AM

Nakauwi na ang karamihan sa mga pasyenteng nabiktima ng food poisoning sa birthday party ni dating first lady Imelda Marcos sa Pasig City.

Ayon kay Bryant Wong, Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office chief, karamihan sa mga pasyente ay na-discharge na habang may ilan pang kinailangang i-confine.

Hindi naman matukoy ni Wong kung mayroong seryosong kondisyon sa mga nananatili pa sa ospital.

Sa iba’t ibang pagamutan sa Pasig at mga kalapit na lugar aniya isinugod ang nasa 270 na mga pasyente kahapon.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Wong sa mga kalapit na lungsod na nagpadala ng kani-kanilang ambulansya sa Ynares Sports Arena upang tumulong maghatid sa ospital sa mga pasyente.

TAGS: Birthday Party, food poisoning, Imelda Marcos, Pasig City, Birthday Party, food poisoning, Imelda Marcos, Pasig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.