R&B Singer na si Halle Bailey gaganap na ‘Ariel’ sa live-action version ng “The Little Mermaid”
Ang 19 year old singer na si Halle Bailey ang napili ng Disney para gumanap bilang Ariel sa live-action version ng “The Little Mermaid”.
Sa kaniyang Twitter, nag-post si Bailey ng larawan ni Ariel na may caption na “dream come true”.
Pero ang larawang ginamit ni Bailey ay iba sa tradisyunal na itsura ni Ariel na maputi at pula ang buhok.
Makikita sa larawan ni Bailey ang version ni Ariel na may dark skin, brown eyes at itim na buhok.
Ayon sa direktor na si Rob Marshall napili nila si Bailey matapos ang mahabang proseso ng paghahanap ng gaganap na Ariel.
Si Bailey aniya ay may kumbinasyon ng spirit, heart, youth, innocence, at substance at napakandang singing voice.
Sa susunod na taon magsisimula ang shooting para sa live-action ng The Little Mermaid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.