Kumpiyansa ang Malakanyang na hindi uusad ang anumang ihahaing impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, wala kasing malakas na kaso na maisasampa ang mga kritiko laban sa pangulo.
Una rito, nagbanta si Dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na isang impeachable offense ang pagpayapag ni Pangulong Duterte na makapangisda ang China sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon kay Nograles, mababaw ang naturang alegasyon dahil pinoprotektahan lamang ng pangulo na magkagulo ang Pilipinas at China.
Kasabay nito sinabi ni Nograles na hindi krimen ang paghahain ng impeachment laban sa pangulo.
MOST READ
LATEST STORIES