Miss Universe 2015 host Steve Harvey nag-sorry sa pagkakamali
Humingi ng paumanhin ang host at comedian na si Steve Harvey sa kaniyang pagkakamali sa pag-anunsyo sa nanalong Miss Universe 2015.
Sa kaniyang post sa twitter, sinabi ni Harvey na matinding pagkakamali ang kaniyang nagawa at labis ang kaniyang pagsisisi.
Pero sa nasabing twitter post, muling nakagawa ng pagkakamali si Harvey matapos na hindi niya mai-spell ng tama ang Philippines at Colombia.
“I want to apologize emphatically to Miss Philippians and Miss Columbia. This was a terribly honest human mistake and I am so regretful,” ayon sa twitter post ni Harvey.
Dahil dito, muling umani ng batikos sa twitter si Harvey.
Ilang minuto ang nakalipas, agad binura ang nasabing twitter post.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.