Yellow alert muling itinaas sa Luzon Grid

By Dona Dominguez-Cargullo July 04, 2019 - 08:08 AM

Muling isinailalim sa yellow alert ang Luzon Grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pag-iral ng yellow alert ay mula ala 1:00 hanggang alas 4:00 ng hapon ngayong araw ng Huwebes (July 4).

Mayroong available capacity sa Luzon na 11,395MW habang ang peak demand ay aabot sa 10,418MW.

Hindi naman inaasahan ang pagkakaroon ng rotational brownout dahil sa yellow alert.

Pero pinapayuhan pa rin ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente.

TAGS: luzon grid, power reserve, Yellow Alert, luzon grid, power reserve, Yellow Alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.