LPA sa Mindanao malulusaw sa susunod na 24 na oras; Habagat humihina – PAGASA
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area na nasa Mindanao.
Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja, huling namataan ang LPA sa layong 165 kilometers east southeast ng General Santos City.
Mababa ang tsansa na maging bagyo ang LPA at inaasahang malulusaw sa susunod na 24 na oras.
Samantala, humihina naman ang pag-iral ng Habagat at tanging ang Palawan na lang ang apektado.
Ayon sa PAGASA, makararanas ng maaliwalas at mainit na panahon sa buong Luzon kasama na ang Metro Manila at sa Visayas.
Habang apektado pa rin ng extension ng LPA ang mga rehiyon ng CARAGA, Davao at SOCCSKSARGEN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.