Suspek sa panggagahasa at pagpatay sa ginang sa Rizal, sumuko na

By Rhommel Balasbas July 04, 2019 - 04:48 AM

Sumuko na sa mga pulis ang suspek sa panggagahasa at pagpatay noong Lunes sa isang 29-anyos na ginang mismong sa kanyang bahay sa Brgy. Patunhay, Cardona, Rizal.

Tadtad ng saksak at walang saplot ang biktimang si Lorilyn delos Santos nang makita mismo ng kanyang dalawang menor de edad na anak.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na ginising pa ng suspek ang mga bata para humingi ng tulong sa kanilang lolo bago tumakas.

Pero makalipas ang ilang araw, sumuko na ang suspek na napag-alamang pamangkin pa mismo ng asawa ng biktima.

Ayon kay Cardona Police chief Police Captain Juner Mojares, nakipag-inuman ang 23-anyos na suspek malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Ayon sa suspek pagnanakaw lamang dapat ang kanyang motibo ngunit hindi niya napigilan ang sarili nang makita ang biktima sa kwarto nito.

Mahaharap ngayon ang lalaki sa kasong rape at homicide.

 

TAGS: homicide, paggahasa, pagpatay, pamangkin, rape, Rizal, sumuko, suspek, homicide, paggahasa, pagpatay, pamangkin, rape, Rizal, sumuko, suspek

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.