Mayor Isko: Karapatang pantao dapat igalang sa war on drugs

By Rhommel Balasbas July 04, 2019 - 04:44 AM

Iginiit ni Manila Mayor Isko Moreno na dapat igalang ang karapatang pantao ng mga kriminal at maging ng mga pulis sa giyera kontra droga.

Sa isang pulong balitaan araw ng Miyerkules, sinabi ni Moreno na suportado niya ang giyera kontra droga ng administrasyon.

Gayunman, naniniwala ang alkalde na dapat arestuhin lamang ang mga drug suspects at hayaang harapin ang kaso sa korte.

Pero ani Moreno, maging ang mga pulis ay may karapatang pantao rin kaya’t dapat protektahan ng mga ito ang kanilang mga sarili mula sa mga armadong suspek.

“I made a commitment during the campaign that human rights must be respected. But our law enforcers also have human rights,” ani Moreno.

Ayon naman kay Manila Police District director Brig. Gen. Vicente Danao na kasama ni Moreno kahapon, inutusan niya ang pulisya ng lungsod na igalang ang due process.

Pero kailangan umano ng mga itong ipagtanggol ang kanilang mga sarili kung sakaling manlaban ang mga suspek.

“But they have to fight back if drug suspects resist arrest,” ani Danao.

Iginiit ng police official na hindi na mauulit pa ang mga insidente ng ‘agaw baril’ o ang pag-agaw ng mga suspek sa mga armas habang sila ay nasa kustodiya ng pulisya.

Magugunitang noong nakaranag buwan, napatay ang robbery suspect na si Enrique Lugtu Jr. matapos umanong agawin ang baril ng pulis sa Sta. Cruz Police station habang isinasailalim sa booking process.

 

TAGS: agaw baril, due process, Enrique Lugtu Jr., igalang, karapatang pantao, Manila Mayor Isko Moreno, Sta. Cruz Police, War on drugs, agaw baril, due process, Enrique Lugtu Jr., igalang, karapatang pantao, Manila Mayor Isko Moreno, Sta. Cruz Police, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.