Ipis nagiging immune na sa insecticide

Unti-unti nang nagiging immune ang mga ipis sa epekto ng insecticide.

Ito ang lumalabas sa isang pag-aaral ni Michael Scharf ng Purdue University sa Indiana, USA.

Lumabas sa pag-aaral na nagde-develop ng “cross-resistance” ang mga ipis na naiiwang buhay sa paggamit ng insecticide.

Kadalasan umanong problema ito sa mga urbanisado at mga mahihirap na komunidad kung saan may kakapusan ng mga pamatay-peste.

Dahil sa unti-unting pagkakabuo ng resistance ng mga ipis sa iba’t ibang klase ng insecticides ay maaari umanong maging halos imposible na ang pagkontrol sa mga ito gamit lamang ang mga kemikal.

Samantala, lumabas pa sa pag-aaral na namamana ang ‘resistance’ sa mga nagiging anak ng ipis.

Posible umano na ang isang populasyon ng mga ipis ay maging insecticide-proof.

Dahil dito, inirekomenda ni Scharf na sabayan ang paggamit ng pesticide ng ilang kagamitan gaya ng trap at vacuum.

 

Read more...