Bagong SRP list ilalabas ng DTI sa katapusan ng Hulyo

By Rhommel Balasbas July 04, 2019 - 04:37 AM

Nakatakdang maglabas ng bagong suggested retail price (SRP) ng mga pangunahing bilihin ang Department of Trade and Industry (DTI) sa katapusan ng Hulyo.

Ito ay upang magabayan ang mga consumer at mga pamilihan sa presyo ng mga produkto.

Ayon sa DTI, kasama na sa ilalabas na SRP ang taas-presyo ng ilang mga brands ng condensed milk, evaporated milk, pampalasa at isang brand ng kape.

Sa inspeksyon sa mga pamilihan kasama ang media araw ng Miyerkules, sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo na sa July 15 ay epektibo na ang dagdag-presyo ng 11 stock-keeping units (SKUs).

Mayroon din anyang ilang brands ng sardinas ang may aplikasyon para sa taas-presyo na dati pa umanong hinihiling sa kagawaran.

Gayunman, sinabi ni Castelo na hahati-hatiin ang taas-presyo upang hindi maging masyadong mabigat para sa consumers.

Samantala, sa pag-iikot sa ilang mga palengke at grocery stores sa Las Piñas, nadiskubre ang mataas na bentahan ng ilang pangunahing bilihin tulad ng manok.

Umaabot sa P170 kada kilo ang bentahan ng manok, mas mataas sa SRP na P165.

Pinagpapaliwanag naman sa loob ng 48 oras ang retailers ng bawang kung saan namataan ng DTI na ibinebenta ito sa P140 kada kilo, mas mataas sa maximum SRP na P100 bawat kilo.

 

TAGS: dti, DTI Usec. Ruth Castelo, pangunahing bilihin, SRP, taas presyo, dti, DTI Usec. Ruth Castelo, pangunahing bilihin, SRP, taas presyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.