DOH: ‘Dengvaxia scare is over’

By Rhommel Balasbas July 04, 2019 - 04:22 AM

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na ang takot na idinulot ng Dengvaxia vaccine controversy ay natuldukan na dahil sa tumaas na kumpyansa ng publiko sa mga bakuna.

Sa isang pahayag araw ng Miyerkules, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nawakasan na ang Dengvaxia scare matapos ang resulta ng survey tungkol sa vaccine confidence na kinomisyon mismo ng Malacañang.

“Yes. I really would like to believe the Dengvaxia scare is over,” ani Duque.

Ayon sa kalihim, tatlong matrix ang ginamit sa survey kung saan tinanong kung epektibo, ligtas at maganda ba ang kalidad ng mga bakuna.

Sinabi ni Duque na batay sa survey, 94 percent ang nagsabing epektibo ang mga bakuna, 89 percent ang naniniwalang ligtas ang mga ito at 91 percent ang nagsabing maganda ang kalidad ng mga ito.

“Three matrix were used. One was ‘are the vaccines effective?’ to which the respondents said I think about 94 percent said it is effective; second matrix ‘is the vaccine safe?’ to which the respondents, 89 percent, believes that the vaccines are safe; And (third matrix) whether if it is of [good] quality 91, percent,” giit ni Duque.

Iginiit ng kalihim na repleksyon ito ng nabawasan nang pangamba ng publiko sa bakuna.

Una nang sinabi ng DOH na bumagsak ang lebel ng kumpyansa ng publiko sa bakuna sa 32 percent dahil sa isyu ng Dengvaxia.

Ang deklarasyon din ng kagawaran ng measles outbreak sa ilang lugar noong Pebrero ay nagpataas sa bilang ng batang nabakunahan.

Ani Duque, umabot sa 98 percent ang bilang ng mga bata edad anim hanggang 59 buwan ang nabakunahan kontra tigdas.

Aminado naman ang kalihim na hindi pa mataas ang immunization coverage sa ibang age groups.

Naniniwala si Duque na ang ‘school-based immunization’ ang solusyon para maabot ng bakuna ang iba pang bata.

 

TAGS: bakuna, Dengvaxia, doh, Health Secretary Francisco Duque III, measles outbreak, school-based immunization, takot, bakuna, Dengvaxia, doh, Health Secretary Francisco Duque III, measles outbreak, school-based immunization, takot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.