Pilipinas wagi sa Miss Universe 2015

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2015 - 11:21 AM

10262120_10153889161154047_1668073991539752385_nMatapos ang 42 taon na naging mailap sa Pilipinas ang Miss Universe crown, naiuwi ng pambato ng bansa na si Pia Wurtzbach ang Miss Universe 2015 title.

Si Wurtzbach ang itinanghal na 64th Miss Universe, at ikatlong Pinay na nakapag-uwi ng nasabing korona sa ating bansa

Sa simula pa lamang stand out na si Wurtzbach na consistent sa top spot sa global audience vote.

Nagkaroon pa ng problema at kalituhan matapos magkamali ang host-comedian na si Steve Harvey sa pag-anunsyo ng kung sino ang 1st runner-up at ang nanalong Miss Universe 2015.

Una kasing inanunsyo ni Harvey na nanalong Miss Universe 2015 si Miss Colombia at 1st-runner up si Wurtzbach.

Pero ilang sandali matapos maisalin ang korona sa pambato ng Colombia at ito ay mapagrampa, muling nagsalita si Harvey para magbigay ng paglilinaw.

Inamin ni Harvey na siya ay nagkamali sa pag-anunsyo at sinabing ang 1st runner-up ay si Mis Colombia at si Miss Philippines ang nagwagi bilang Miss Universe 2015. Si Miss USA naman ang itinanghal na 2nd runner-up.

Sa Question and Answer portion para sa top 5 candidates, tinanong si Wurtzbach kung sa tingin niya ay tama lang bang magkaroon ng military presence sa Pilipinas.

Ayon kay Wurtzbach, maganda naman ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at US at welcome sa bansa ang presensya ng mga Amerikano kaya wala siyang nakikitang problema kung may military presence sa bansa ang US.

Dahil sa nasabing kasagutan nakapasok si Wurtzbach sa top 3, kung saan tinanong sila ng iisang katangungan – “Bakit ikaw ang dapat na itanghal na Miss Universe 2015?”

“To be a Miss Universe is both an honor and a responsibility. If I were to be Miss Universe, I will use my voice to influence the youth and I will raise awareness to certain causes like HIV awareness that is timely and relevant to my country. I want to show the world-the universe, rather-that I am confident and beautiful from the heart.,” ayon kay Wurtzbach.

42 years nang mailap ang Miss Universe crown sa Pilipinas.

Unang naiuwi sa bansa ang korona ni Gloria Diaz noong 1969 at sinundan ni Margie Moran noong 1973.

Simula noon, hindi pa muli nanalo ang Pilipinas sa nasabing beauty pageant.

TAGS: Miss Universe 2015, Miss Universe 2015

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.