Nakasentro sa policy direction ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, iiwasan na ng Pangulo ang pagwawagayway ng kanyang mga nagawa sa nakalipas na tatlong taon.
Tututukan ng Pangulo sa kanyang SONA kung ano ang gagawin ng pamahalaan para matugunan ang kahirapan.
Tatalakayin din ng Pangulo ang Build, Build Build program, paglaban sa kriminalidad at illegal na droga.
Nagbibigay na rin aniya ng kanya-kanyang input ang mga cabinet officials para sa Pre-SONA activities.
Una nang nagsagawa ng Pre-SONA ang ilang cabinet officials sa PICC Pasay City habang sa July 10 naman gaganapin ang ikalawang bugso sa Cebu at July 17 sa Davao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.