Ayon kay Dr. Primo Valenzuela, panis na ang adobong manok na may itlog nang kainin ito ng mga biktima ng food poisoning.
Bukod sa panis ay maaaring kontaminado ang pagkain dahil umano sa maduming paghanda nito.
Maaari anyang nagkaroon ang mga kumain ng staphylococcus bacteria na mula a kontaminadong pagkain.
Ang epekto anya ng naturang bacteria ay lumalabas ilang minuto hanggang anim na oras matapos makakain ng kontaminadong pagkain.
Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang kontaminasyon ay maaaring nanggaling sa mga itlog na ayon sa mga kumain ay masama na ang lasa.
Hindi rin inaalis ng kalihim na sira na ang kanin na maaaring kontaminado na rin.
Ang mga biktima ay dumalo sa 90th birthday ni dating First Lady Imelda Marcos sa Ynares Sports Complex sa Pasig City araw ng Miyerkules.
Humingi na ng paumanhin sina Senator Imee Marcos at dating Senador Bongbong Marcos na nagsabing tutulungan nila ang mga biktima.