Radio station sa GenSan pinaulanan ng bala

Bombo Radyo Gensan photo

Pinagbabaril ang istasyon ng Bombo Radyo sa General Santos City Miyerkules ng gabi.

Ayon sa inisyal na ulat, pasado alas-8:30 nang paulanan ng bala ng isang suspek lulan ng pulang pick-up truck ang Bombo Radyo Gensan Broadcast center.

Sa salaysay ng mga gwardiyang nakabantay sa gusali, galing ang sasakyan sa direksyon ng Gensanville Subdivision bago dumaan sa istasyon at magpaulan ng bala ang driver nito.

Ayon sa Bombo Radyo, tinamaan ng bala ang entrance crystal at tumagos ito sa recording room kung saan narekober ang isang basyo ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril.

Wala namang nasaktan sa mga empleyado ng himpilan.

Sa ngayon ay iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

 

Read more...