1 milyon katao pinalilikas dahil sa malakas na pag-ulan sa southwestern Japan

By Rhommel Balasbas July 04, 2019 - 02:34 AM

Kyodo News photo

Dahil sa ilang araw na walang tigil na malakas na buhos ng ulan, pinalilikas ng gobyerno ang higit 1.1 milyong katao sa southwestern Japan.

Ayon sa ulat ng Kyodo News, pinayuhan ang mga residente sa Kagoshima at Miyazaki prefectures na lumikas dahil sa inaasahang mga pagbaha at mudslides.

Sa city of Kagoshima, ang mga matatanda ay agad na tumungo sa evacuation centers bago pa man bumuhos ang malalakas na pag-ulan.

Ilang evacuees naman sa Kumamoto city ang namataang nagdala ng kanilang mga higaan sa evacuation centers.

Nagbabala ang Japan Meteorological Agency na magpapatuloy pa ang malalakas na pag-ulan sa southwestern at western Japan.

Sa isang emergency press conference sinabi ng weather agency na dapat ay maging alerto ang mga residente dahil posible silang maglabas ng emergency rain warning sa Kagoshima and Kumamoto prefectures.

Ang kaparehong babala ay inilabas noong July 2018 matapos manalasa ang mapaminsalang pag-ulan sa western Japan na nagdulot ng mudslides at pagbaha at ikinasawi ng higit 200 katao sa Hiroshima, Okayama at Ehime prefectures.

 

TAGS: emergency rain warning, evacuation centers, higit 1.1 milyon, Japan, Japan Meteorological Agency, Kagoshima, Kyodo News, Miyazaki, mudslides, pagbaha, pinalilikas, ulan, emergency rain warning, evacuation centers, higit 1.1 milyon, Japan, Japan Meteorological Agency, Kagoshima, Kyodo News, Miyazaki, mudslides, pagbaha, pinalilikas, ulan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.