Warriors magdadagdag ng 2 players matapos mawala si Durant

By Len Montaño July 04, 2019 - 02:25 AM SHARE(S):

Magdadagdag ang Golden State Warriors ng dalawang players habang dalawang players nila ang mananatili sa line-up kasunod ng pagkawala ni Kevin Durant na lumipat sa Brooklyn Nets.

Ayon sa ulat, maglalaro na sa Warriors sina Willie Cauley-Stein at Glenn Robinson III.

Habang pananatiliin ng koponan si Klay Thompson at muling pipirma ng kontrata si Kevon Looney.

Pumayag si Looney sa tatlong taong kasunduan para manatili sa Warriors.

Bagamat palaging binabago ng team ang kanilang starting center depende sa matchup, maraming oras ang nilaro ni Looney sa post season at kinilala ito ni coach Steve Kerr bilang isa sa mga mahalagang players ng Warriors.

Makakasama nina Looney at Thompson si Cauley-Stein na galing sa Sacramento.

Habang si Robinson ay huling naglaro sa Detroit at sinasabing pumayag ito sa dalawang taong deal sa Warriors.

 

TAGS: Brooklyn Nets, Coach Steve Kerr, dagdag, Glenn Robinson III, golden state warriors, Kevin Durant, Kevon Looney, Klay Thompson, NBA, Willie Cauley-Stein, Brooklyn Nets, Coach Steve Kerr, dagdag, Glenn Robinson III, golden state warriors, Kevin Durant, Kevon Looney, Klay Thompson, NBA, Willie Cauley-Stein

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.