COA: Army hindi pa ibinibigay ang P47.6M na tulong sa mga sundalong nasugatan sa Marawi

By Len Montaño July 04, 2019 - 01:10 AM

Bigo ang Philippine Army na ipamahagi ang P47.6 million na halaga ng tulong pinansyal sa mga sundalo nito na nasugatan sa gulo sa Marawi City mula May hanggang October 2017.

Ayon sa Commission on Audit (COA) annual audit report on Philippine Army, nasa kabuuang P47.6 million mula sa P235 million na tulong sa Army personnel ang nananatiling hindi nagagamit hanggang December 2018.

“Verification of the cash donations so far showed that the Army had not crafted specific guidelines for the receipt and utilization and liquidation of donations, especially for those intended for the wounded Army personnel,” ayon sa COA report.

Samantala ayon sa COA, nasa P147 million ang donasyon para sa financial assistance sa mga legal beneficiaries ng killed-in-action na tauhan ng Army.

Mula sa naturang halaga, P128.5 million ang nagamit na.

Nagamit na rin ang P40.122 million sa biyahe ng mga babaeng Army personnel sa Hong Kong para sa observation tour ukol sa kaligtasan at seguridad.

Pero batay sa audit sa disbursement vouchers at mga dokumentong pang-suporta sa naturang utilization, lumampas ang Army ng P9.98 million na tulong pinansyal sa 118 na certified killed in action beneficiaries.

Inatasan ng COA ang Army na ipaliwanag ang overpayment sa mga pamilya ng mga napatay sa Marawi.

Sa kanilang panig, sinabi ni Army spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala na gumagawa pa sila ng sagot sa COA report.

 

TAGS: COA, disbursement vouchers, Hong Kong, killed in action, Lt. Col. Ramon Zagala, marawi, observation tour, Philippine Army, sugatan, tulong pinansyal, COA, disbursement vouchers, Hong Kong, killed in action, Lt. Col. Ramon Zagala, marawi, observation tour, Philippine Army, sugatan, tulong pinansyal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.