Mobile Library ng EPD bukas na

By Noel Talacay July 04, 2019 - 12:12 AM

EPD photo

Pormal ng binuksan ang Mobile Library ng Eastern Police District (EPD) kung saan ang Barangay Pineda, Pasig City ang pilot barangay ng nasabing proyekto.

Layunin ng Mobile Library na maging malapit ang mga pulis sa komunidad sa pamamagitan ng mga community based na programa.

Pinangunahan ni EPD Director Police Brigadier General Nolasco Bathan ang nasabing programa.

Ayon sa kay Bathan, ang pagbibigay ng tamang kaalaman at edukasyon sa mga bata ay makakatulong para malaman nila kung ano ang tama at mali at sa murang edad ay malalaman nila ang masamang epekto ng ipinagbabawal na droga.

Naniniwala naman si Bathan na sa pamamagitan ng kanilang programa ay mahuhubog ang mga kabataan para maging isang mabuti at responsableng mamamayan.

Pero hindi naman inaalis ng pulisya na ang mga magulang pa rin ang may pangunahin at malaking papel para malaman ng isang bata kung ano ang mangyayari kung lalabag sa batas.

Maliban dito, nagkaroon din ng feeding program na dinaluhan ng mahigit 300 na mga bata.

 

TAGS: Barangay Pineda, bata, Brigadier General Nolasco Bathan, community-based, Droga, epd, feeding program, mobile library, Pasig City, Barangay Pineda, bata, Brigadier General Nolasco Bathan, community-based, Droga, epd, feeding program, mobile library, Pasig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.