Wanted na Indian national, arestado sa Quezon City

QCPD photo

Inaresto ang isang Indian national ng Cubao Police na may warrant of arrest sa kasong slight physical injury.

Nakilala ang suspek na si Jaspreet Singh Grewal, 26-anyos, residente ng Barangay Pasadena, San Juan City.

Ayon sa pulisya, pinuntahan ng mga otoridad kung saan nakatira ang suspek at mahinahon namang sumama ang suspek sa mga pulis.

Nasa kustodiya na ng Cubao Police Station 7 ang suspek para panagutan ang kinasangkutan nitong krimen.

 

Read more...