Dagdag-singil sa kuryente nakaamba ngayong Hulyo

By Len Montaño July 03, 2019 - 09:47 PM

Inaasahan ang pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco ngayong Hulyo bunsod ng ilang beses na pagnipis ng reserbang kuryente sa Luzon.

Ayon sa Meralco, lalabas sa July billing ang 11 beses na pagsasailalim ng yellow alert at 5 beses na nagkaroon ng red alert sa Luzon grid.

Sinabi naman ng naturang power utility na maaaring mahila pababa ang power rates sanhi ng paglakas ng piso kontra dolyar.

“Mas maraming factors that indicate that there may be an upward adjustment… ‘yong series ng red and yellow alerts, ‘yong capacity of outage, plus ‘yong higher demand,” pahayag ni Meralco spokesman Joe Zaldariaga.

Pero dagdag ng Meralco, kung mataas ang konsumo sa kuryente ay asahan ang mas malaking bayarin kahit bumaba pa ang overall rate.

Noong June 21 ang pinakamataas na konsumo ng kuryente sa buong Luzon sa gitna ng matinding init ng panahon.

Habang Mayo noong nakaraang taon ang naitalang pinakamataas na konsumo sa kuryente ng Meralco consumers.

Sa Lunes ay nakatakdang ianunsyo ng Meralco ang eksaktong halaga ng dagdag-singil sa kuryente ngayong buwan.

 

TAGS: dagdag singil, July, konsumo, Kuryente, luzon grid, Meralco, Meralco spokesman Joe Zaldariaga, overall rate, power rates, red alert, reserba, Yellow Alert, dagdag singil, July, konsumo, Kuryente, luzon grid, Meralco, Meralco spokesman Joe Zaldariaga, overall rate, power rates, red alert, reserba, Yellow Alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.