Ayon kay CDRRMO Chief Bryan Wong, karamihan sa mga nabiktikma ay nakauwi na ngunit ang ilan ay patuloy pa ring ginagamot sa mga ospital.
Suspetsa pa rin ng otoridad na sa itlog sa adobong manok na inihain sa pagdiriwang ng ika-90 taong karaawan ni dating unang ginang Imelda Marcos ang dahilan ng food poisoning.
Dagdag ni Wong, nakausap na nila ang mg organizers at kinumpirmang sasagutin ng mga Marcos ang gastusin sa ospital ng mga biktima.
Patuloy ang imbestigasyon sa naganap na insidente kung saan sinusuri na ang lahat ng inihanda sa pagdiriwang pati na rin ang tubig at inaalam kung kanino nanggaling ang naturang pagkain.