Biktima ng food poisoning sa Pasig City, nasa 270 na

By Clarize Austria July 03, 2019 - 07:45 PM

(UPDATE) Pumalo na sa 270 ang naitalang naapektuhan ng food poisoning sa Ynares Sports Complex sa Pasig City Miyerkules ng tanghali

Ayon kay CDRRMO Chief Bryan Wong, karamihan sa mga nabiktikma ay nakauwi na ngunit ang ilan ay patuloy pa ring ginagamot sa mga ospital.

Suspetsa pa rin ng otoridad na sa itlog sa adobong manok na inihain sa pagdiriwang ng ika-90 taong karaawan ni dating unang ginang Imelda Marcos ang dahilan ng food poisoning.

Dagdag ni Wong, nakausap na nila ang mg organizers at kinumpirmang sasagutin ng mga Marcos ang gastusin sa ospital ng mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa naganap na insidente kung saan sinusuri na ang lahat ng inihanda sa pagdiriwang pati na rin ang tubig at inaalam kung kanino nanggaling ang naturang pagkain.

 

TAGS: 270, adobo, CDRRMO Chief Bryan Wong, food poisoning, Imelda Marcos, itlog, Pasig City, Ynares Sports Complex, 270, adobo, CDRRMO Chief Bryan Wong, food poisoning, Imelda Marcos, itlog, Pasig City, Ynares Sports Complex

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.