Mga bagong pera na may pirma ni BSP Gov. Benjamin Diokno inilabas na

By Den Macaranas July 03, 2019 - 05:17 PM

Naglabas na ng mga bagong kopya ng Philippine currency ang Bangko Sentral ng Pilipinas na nagtataglay ng mga bagong security features at pirma ni Governor Benjamion Diokno.

Sa launching ng Philippine new generation currency banknotes sa Maynila, sinabi ni Diokno na ang mga bagong pera ay may security features na ginamitan ng intaglio printing technology.

Magugunitang si Diokno ay itinalagang BSP Governor noong March 5 at pinalitan niya ang namatay na si dating Governor Nestor Espenilla Jr.

Sa mga susunod na linggo ay ilalabas na sa publiko ang iba’t ibang denominations ng bagong perang papel ng bansa.

TAGS: Bangko Sentral ng Pilipinas, banknotes, benjamin diokno, BUsiness, Bangko Sentral ng Pilipinas, banknotes, benjamin diokno, BUsiness

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.