Database para sa mga dayuhang nagtatrabaho sa bansa inihahanda na

By Den Macaranas July 03, 2019 - 05:00 PM

Inquirer file photo

Isang interagency database ng mga dayuhang nagtatrabaho sa bansa ang nakatakdang ilunsad ng pamahalaan.

Layunin ng binubuong database na ipunin ang mga detalye kaugnay sa buwin na binabayaran ng mga foreign nationals na nagtatrabaho sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Finance na inaayos na ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Internal Revenue ang ilalabas na joint memorandum circular para sa pagbuo ng nasabing database.

“Revisions were made to develop an interagency database to be administered by the DOLE,” ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay.

Nauna nang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na sisimulan na ng pamahalaan na maningil ng tamang buwis sa mga dayuhang naghahanap-buhay sa bansa.

Inaasahang kikita ang pamahalaan ng P2 Billion kada buwan mula sa buwis na masisingil sa mga dayuhan.

Target ng DO na makalikom ng P32 Billion annual income tax mula sa foreign nationals na nagta-trabaho sa Philippine online gaming operators (POGOs).

Sa paunang impormasyon na nakalap mula sa DOLE and BI, at DOF ay aabot sa 15,176 foreign nationals ang nagta-trabaho sa 174 establisyemento sa iba’t ibang panig ng bansa.

TAGS: BIR, BUsiness, database, DOF, DOLE, dominguez, BIR, BUsiness, database, DOF, DOLE, dominguez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.