Umakyat na sa kabuuang 137 na katao ang isinugod sa ospital matapos mabiktima ng hinihinalang food poisoning, araw ng Miyerkules.
Ayon sa pulisya, nasa 2,500 katao ang dumalo sa selebrasyon ng ika-90 kaarawan ni dating First Lady Imelda Marcos.
Idinaos ang selebrasyon sa Ynares Sports Arena sa Antipolo City.
Isinugod ang mga biktima sa iba’t ibang public hospital na malapit sa lungsod.
Nangako naman ang anak ni Imelda na si Senator Imee Marcos na bibisitahin ang mga biktima at babantayan ang kundisyon sa ospital.
Samantala, sa Twitter, sinabi ni Senator Richard Gordon na nagpadala na ng Philippine Red Cross (PRC) medic teams sa lugar.
Ang tatlo ay inilipat aniya sa Rizal Medical Center.
MOST READ
LATEST STORIES