Bitay sa drug traffickers mas madali – SP Tito Sotto

July 03, 2019 - 12:29 PM

Naniniwala si Senate President Vicente Sotto III na mas malaki ang pag-asa na makalusot ang mga panukalang maibalik ang parusang kamatayan kung igagawad ito sa mga high level drug traffickers lang.

Aminado si Sotto na sa 18th Congress mas marami na silang pabor sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa dahil sa pagkakapanalo ng mga kaalyado ni Pangulong Duterte.

Ngunit aniya magiging depende pa rin ang lahat sa isasagawang deliberasyon.

Dagdag pa nito, tama lang na mabitay ang mga bigtime drug traffickers dahil kahit nahatulan sila at nasa loob ng pambansang piitan ay nagagawa pa nilang patakbuhin ang kanilang ilegal na negosyo.

Binanggit ni Sotto na sa ating mga katabing bansa, kung saan may parusang kamatayan, may takot ang mga sindikato ng droga.

TAGS: Death Penalty, drug traffickers, Radyo Inquirer, Death Penalty, drug traffickers, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.