Pulis patay sa pananambang sa Laguna
Patay ang isang pulis makaraang tambangan sa Kalayaan, Laguna, Miyerkules (July 3) ng umaga.
Nakilala ang biktima na si Staff Sgt. Dante Anavieza, intelligence operative ng Paete Municipal Police station sa Pagsanjan.
Sinabi ni Police Col. Eleazar Mata, direktor ng Laguna Provincial Police, minamaneho ni Anavieza ang kaniyang motorsiko sa bahagi ng Barangay Longos sa bayan ng Kalayaan nang siya ay tambangan.
Tinabihan ng riding in tandem ang motorisklo ng pulis at saka ito pinagbabaril.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.