1,400 na passport ng mga OFW kinumpiska sa Hong Kong matapos gamiting pang-collateral para makapangutang

Kinumpiska ng mga otoridad sa Hong Kong ang aabot sa 1,400 na pasaporte ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa isang lending company.

Nabatid na ang nasabing mga pasaporte ay ginamit bilang collateral para makapag-loan ang mga OFW sa Overseas First Credit.

Nakasaad sa Foreign Service Circular #2014-99 ng Hong Kong na bawal gamitin ang passport bilang collateral.

Bilang parusa sa mahuhuli, ang pasaporte ay ipapawalang-bisa.

Ayon sa ulat, naitrun-over na ang 900 sa mga nakumpiskang pasaporter sa Philippine Consulate office sa Hong Kong.

Papayagan naman ang mga OFW na muling mag-apply ng panibagong pasaporte.

Sa paghahain ng panibagong aplikasyon ay kailangan nilang magsumite ng affidavit na nagsasabing ang luma nilang passport ay ginamit nilang pang-collateral upang makapag-loan.

Mailalagay din sila sa watchlist ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Read more...