Lungsod ng Kidapawan nagsagawa ng dalawang bomb drill

By Jimmy Tamayo July 03, 2019 - 10:22 AM

Humingi ng paumanhin ang Kidapawan City PNP sa mga residente at mga negosyante sa lungsod.

Ito’y matapos magdulot ng takot ang ginawang bomb drill sa magkahiwalay na lugar ng syudad martes ng hapon.

Sa pangunguna ng Kidapawan City Disaster Risk and Management office kasama ang Public safety head Psalmer Bernalte, PNP, Traffic management Unit, EDC at ilang mga K9 handler nagsagawa ng bomb drill sa dalawang lugar.

Ginawa ang aktibidad para magbigay ng kaalaman sa publiko at turuan ang mga mamamayan ng kanilang gagawin sakalit magkaroon ng pagsabog.

Isinagawa ang bomb drill sa National Highway sa harap ng plaza at sa kanto ng Datu Ingkal.

Noong biyernes nagkaroon ng pagsabog sa loob ng kampo ng militar sa Indanan Sulu na ikinasawi ng walo katao at ikinasugat ng maraming iba pa.

TAGS: bomb drill, EDC, Indanan Sulu, K9 handler, Kidapawan City PNP, National Highway, PNP, Public safety head Psalmer Bernalte, Traffic management Unit, bomb drill, EDC, Indanan Sulu, K9 handler, Kidapawan City PNP, National Highway, PNP, Public safety head Psalmer Bernalte, Traffic management Unit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.