Konstruksyon ng iba pang pasilidad sa Sangley Airport sa Cavite puspusan na

Tuluy-tuloy ang paggulong ng 24/7 construction ng mga karagdagang pasilidad sa Sangley Airport.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), umaga at gabi ang konstruksyon sa naturang military air base.

Layon ng 24/7 construction na makapaghatid ang paliparan ng general aviation at turboprop operations pagsapit nang Nobyembre ngayong taon, upang makatulong sa decongestion ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na maisasakatuparan ang hangaring ito sa ilalim ng matayog na pamumuno ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

Read more...