Pagpayag ni Duterte na makapangisda ang China sa EEZ mutual understanding sa pagitan nila ni Chinese Pres. Xi Jin Ping – Sec. Guevarra

July 03, 2019 - 08:11 AM

Naniniwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na ang sinasabing kasunduan sa pagitan nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping sa pangingisda sa karagatang sakop ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng bansa ay isang mutual understanding sa pagitan ng dalawang heads of state.

Sinabi ni Guevarra na sa kanyang paniwala, hindi ito isang kasunduan gaya ng mga pinapasok na bilateral agreement ng Pilipinas sa pamahalaang China o sa iba pang mga bansa.

Kumbinsido ang kalihim na ang sinasabing verbal agreement sa pagitan nina Pangulong Duterte at President Xi ay isang mutual understanding sa pagitan ng mga ito.

Aminado ang kalihim na kasama ang isyung ito sa mga napag usapan nila kagabi sa cabinet meeting bagamat hindi anya pormal na nakasama sa kanilang agenda.

Ipinauubaya na ng kalihim sa Pangulo ang pagsasara sa isyung ito sa mga darating na panahon.

Samantala, hindi naman nakasama na sa agenda kagabi ang pagtanggi ng China sa isang third party investigator sa nangyaring pagbangga ng Chinese vessel sa VF GemVer sa Recto Bank.

Gayunman, sinabi ni Sec. Guevarra na hindi naman maaring obligahin ng Pamahalaan ang China na magkaroon ng isang third party investigator kung ayaw nito.

TAGS: exclusive economic zone, West Philippine Sea, exclusive economic zone, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.