Daan libong katao, apektado pa rin ng pagbaha sa Bulacan

FB Photo / Eme Tenorio
FB Photo / Eme Tenorio

Nasa 250,975 na indibidwal o mahigit 50,000 pamilya ang apektado ng nagpapatuloy na pagbaha sa lalawigan ng Bulacan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Officer Liz Mungcal, maliban sa pagbaha na epekto pa ng bagyong Nona ay nakadagdag pa ang pagpapakawala ng tubig sa mga dam.

Sinabi ni Mungcal na kahapon ay nagpakawala ng tubig ang Angat, Bustos at Ipo Dam.

Sa ngayon ayon kay Mungcal mayroon pang 18,000 na katao ang nananatili sa mga evacuation centers.

Sa halip kasi na bumaba ang tubig baha na dulot ng bagyong Nona ay nanatili ang pagbaha sa sa anim na bayan sa Bulacan.

Apektado ng tubig baha ang nasa 46 na Barangay sa Bulacan partikular ang Calumpit at Hagonoy.

Read more...