Pasado alas 12:00 ng madaling araw nang magtungo sa emergency room ng ospital ang alkalde at kinausap muna ang mga pasyenteng nadatnang nakaupo sa labas.
Pumasok ang alkalde sa loob ng emergency room at kinamusta din ang mga pasyente na narooon.
Nakita ng alkalde na occupied ang lahat ng hospital bed sa ER at ang ibang pasyente ay na wala nang bed ay sa wheelchair na lamang nananatili.
Pagkatapos ay ang mga staff naman ng ospital ang kinausap ng alkalde.
Inikot din ng alkalde ang iba pang mga departamento sa ospital.
MOST READ
LATEST STORIES