Atienza, may kinalaman din umano sa pagkakatayo ng Torre de Manila

June 26, 2015 - 03:13 PM

edited torre
file photo, kuha ni Ruel Perez

Binuweltahan ni dating Manila Vice Mayor Danny Lacuna si dating Manila Mayor Lito Atienza hinggil sa naging pahayag nito sa kontrobersiya sa Torre de Manila.

Tinawag ni Lacuna na hipokrito si Atienza at inakusahan ng maagang pamumulitika.

Ito ay matapos sabihin ni Atienza na dapat maimbestigahan din ng kongreso si Manila Vice Mayor Isko Moreno dahil sa kinalaman nito para baguhin ang zoning policy sa lungsod na naging hudyat para maitayo ang Torre de Manila.

Ayon kay Lacuna, balang araw ay uusigin din ng sarili niyang multo si Atienza, gayung siya ang nagbenta at naging dahilan para isakatuparan ang demolisyon sa gusali ng Jai Alai complex na ngayon ay kinatitirikan ng kontrobersyal na condominium building ng DMCI.

Naaprubahan aniya ang Heritage act noong taong 2000 matapos gibain ang Jai alai complex na kinokonsidera bilang National heritage.

Mistula din umanong nagka-amnesia o ‘di kaya nagha-hallucinate si Atienza sa mga pinagsasabi nito dahil sa katunayan, sa panahon din niya ibenenta ang mga pampublikong paaralan ng Jose Abad Santos at Rajah Soliman High School sa Binondo, na ngayon ay Lucky China town mall na.

Maliban dito, sinabi ni Lacuna na sa panahon din ni Atienza naaprubahan ang ordinansa na sinasabi nitong nagpapaliban sa Torre de Manila mula sa zoning regulation.

Naniniwala si Lacuna na matunog na tatakbo bilang bise-alkalde ng Maynila, na nagpapapansin at bahagi lang ito ng grandstanding ni Atienza. / Ricky Brozas

TAGS: danny lacuna, lito atienza, Radyo Inquirer, torre de manila, danny lacuna, lito atienza, Radyo Inquirer, torre de manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.