Ancajas umaasang maging undisputed world champion sa 115 pounds

INQUIRER photo

Target ng Filipino boxing champion na si Jerwin Ancajas na maging undisputed world champion sa 115 pounds.

Ang 27-anyos na boksingero ay ang reigning IBF super flyweight champion kung saan nadepensahan nito ang titulo ng pitong beses simula noong 2016.

Posibleng ang susunod na laban ni Ancajas ay sa huling bahagi ng Setyembre o unang bahagi ng Oktubre.

Sa forum sa Maynila araw ng Martes, sinabi ni Ancajas na umaasa siyang muling madedepensahan ang kanyang titulo.

“When I was starting out, I dreamed of winning a regional belt. Now, I’m a world champion. I hope I can unify the belts if I’m blessed,” ani Ancajas.

Ayon sa trainer ng boxing champ na si Joven Jimenez, malalaman ang detalye ng susunod na laban ni Ancajas sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Sa ngayon ay nakikipagnegosasyon ang Top Rank sa laban ni Ancajas sa Mexican na si WBC champion Juan Francisco Estrada.

Tinitingnan din ang dalawa pang pangalan tulad nina Andrew Maloney ng Australia at Alexandru Marin ng Romania.

Sa tatlo, nais ng kampo ni Ancajas na makalaban si Estrada.

Tiwala naman si Ancajas na kaya niyang matalo si Estrada.

Read more...