Patay ang hindi bababa sa 33 katao matapos ang insidente ng pagguho ng ilang pader sa Mumbai, India bunsod ng malawakang pag-ulan.
Pilay ngayon ang Mumbai na financial capital ng India at sarado ang mga paaralan at opisina.
Ayon kay Police officer Rabinder Howle, gumuho ang sampung metrong pader sa isang squatter area sa bahagi ng Malad kung saan 21 ang namatay.
Nagkaroon din ng wall collapses sa Maharashtra state, Pune city at Thane district dahilan para umakyat ang death toll sa 33.
Ang monsoon season sa India ay nagdadala ng malakasang pag-ulan sa mga buwan ng Hunyo hanggang Setyembre.
Nagdudulot ito ng pagbaha at iba pinsala sa mga imprastraktura dahil sa mababang kalidad ng pagkakagawa kabilang na sa Mumbai.
Maliban sa pagguho ng mga pader, lubog din sa baha ang mga kalsada at rain tracks.
Ayon sa Skymet, isang private weather forecasting agency, ang rainfall volume sa Mumbai sa mga nagdaang araw ay pinakamalaki sa isang dekada, at pangalawang pinakamalaki sa 44 taon.
Inaasahan pa ang malalakas na pag-uulan sa susunod na tatlong araw.