Pagkukumpuni sa Remedios street aabutin ng isang buwan ayon sa DPWH

By Rhommel Balasbas July 03, 2019 - 01:41 AM

INQUIRER photo

Inaasahang aabutin ng isang buwan ang gagawing pagsasaayos sa nasirang Remedios street sa Maynila dahil sa isang overweight truck noong June 16.

Sa isang pahayag araw ng Martes, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) – National Capital Region director Ador Canlas, hindi pa nila natatanggap ang resulta ng isinagawang soil test at kasalukuyang tinatapos pa ang plano at disenyo para sa road repair.

Posible anyang umabot pa ng isa hanggang dalawang linggo bago matapos ang planning at saka pa lamang sila makakahiling ng pondo mula sa DPWH central office.

Sinabi ni Canlas na baka abutin ng higit isang buwan bago madaanan ng mga motorista ang kalsada.

Kailangang takpan at kumpunihin ang Remedios street makaraang dumaan ang isang 14-wheeler truck na may lulang 42 toneladang buhangin.

Nauna nang sinabi ni DPWH Sec. Mark Villar na isasaayos ang nasirang bahagi sa mas mataas na ‘standard’.

TAGS: Department of Public Works and Highways (DPWH), Remedios street, road repair, truck accident, Department of Public Works and Highways (DPWH), Remedios street, road repair, truck accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.