P58.8M jackpot ng Super Lotto 6/49 napanalunan

Isang maswerteng mananaya ang nakasungkit sa jackpot ng Super Lotto 6/49 Martes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang total jackpot prize ay P58, 865, 965. 40.

Ang winning combination ay 28-24-26-18-22-19.

Bawas naman ng 20 percent ang iuuwi ng lucky bettor dahil sa TRAIN law kung saan aabot na lamang ang kanyang premyo sa P47 milyon.

Samantala, 29 na mananaya ang mag-uuwi naman ng P21, 990 matapos makuha ang lima sa winning combination.

Read more...