Visa-free entry ng mga Pinoy sa Taiwan pinalawig
Pinalawig pa ng isang taon ng Taiwan ang visa-free privilege para sa mga Filipino na nagnanais mabisita ang kanilang bansa.
Ayon sa anunsyo ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) araw ng Martes, hanggang July 31, 2020 ay maaaring mamalagi ang mga Filipino sa Taiwan ng 14 na araw kahit walang visa.
Sinabi ng TECO na ang pribilehiyo ay pagpapakita ng magandang relasyon ng Taiwan sa Pilipinas.
Inaasahang maipagpapatuloy nito ang travel convenience ng mga Filipino sa pagbisita sa Taiwan para sa leisure, negosyo at iba pang short-term purposes.
Nais din ng Taipei na mapalalim pa ang ugnayan sa Maynila lalo na sa usapin ng turismo, kalakalan, pamumuhunan, edukasyon, agrikultura, fisheries at healthcare.
Maaaring makapasok ng Taiwan ang mga Filipino at makapamalagi ng 14 na araw ng walang visa sa ilalim ng ilang kondisyon.
Narito ang mga kondisyon ayon sa TECO:
• Possess an ordinary/regular passport with remaining validity of at least six months from the date of entry;
• Hold a confirmed return plane or boat ticket, or a confirmed plane or boat ticket, along with a valid visa, for an onward destination;
• Provide the confirmation of hotel reservations or an address and contact details for their stay in Taiwan, as well as a financial statement;
• Have a clean criminal record, as verified by immigration upon arrival at an airport or seaport in Taiwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.