Kinumpirma ni SC Information Chief Brian Keith Hosaka araw ng Martes na agad na-dismiss ang petisyon ng Rhema International Livelihood Foundation, Inc.
“For those inquiring, Petition entitled Rhema International Livelihood Foundation Inc. or Cirfund, for brevity, Donor of KAPA et al. vs. Rodrigo R. Duterte, et al. G.R. No. 247571 was dismissed by the court en banc today,” ani Hosaka.
Bigo umano ang petitioner na maabot ang first base ng deliberasyon sa SC dahil sa kawalan ng merito.
Bukod sa hiling na pagbayarin ang gobyerno ng P3 bilyon para sa danyos, nais din ng Rhema na mabaliktad ang desisyon ng Securities and Exchange Commission’s (SEC) na tanggalin ang rehistro ng KAPA bilang isang non-stock corporation.
Hiniling din ng donor na mapatalsik si Pangulong Duterte sa pamamagitan ng impeachment dahil sa paglabag sa Konstitusyon sa Article III o ang Bills of Rights.
Magugunitang ipinag-utos ng pangulo ang shutdown ng Kapa dahil isa umano itong investment scam.