Petisyon ng Kapa ‘donor’ na pagbayarin ang gobyerno ng P3B danyos ibinasura ng SC

By Rhommel Balasbas July 03, 2019 - 03:24 AM

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na inihain ng ‘isang’ donor ng Kapa Community Ministry International Inc. na magbayad ang gobyerno ng P3 bilyong piso para sa compensatory damages.

Kinumpirma ni SC Information Chief Brian Keith Hosaka araw ng Martes na agad na-dismiss ang petisyon ng Rhema International Livelihood Foundation, Inc.

“For those inquiring, Petition entitled Rhema International Livelihood Foundation Inc. or Cirfund, for brevity, Donor of KAPA et al. vs. Rodrigo R. Duterte, et al. G.R. No. 247571 was dismissed by the court en banc today,” ani Hosaka.

Bigo umano ang petitioner na maabot ang first base ng deliberasyon sa SC dahil sa kawalan ng merito.

Bukod sa hiling na pagbayarin ang gobyerno ng P3 bilyon para sa danyos, nais din ng Rhema na mabaliktad ang desisyon ng Securities and Exchange Commission’s (SEC) na tanggalin ang rehistro ng KAPA bilang isang non-stock corporation.

Hiniling din ng donor na mapatalsik si Pangulong Duterte sa pamamagitan ng impeachment dahil sa paglabag sa Konstitusyon sa Article III o ang Bills of Rights.

Magugunitang ipinag-utos ng pangulo ang shutdown ng Kapa dahil isa umano itong investment scam.

TAGS: investment scam, KAPA Community Ministry, petition dismissed, Rhema International Livelihood Foundation Inc., investment scam, KAPA Community Ministry, petition dismissed, Rhema International Livelihood Foundation Inc.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.