Divisoria at Recto nilinis sa mga street vendors
Ipinag-utos ni bagong Manila Mayor Isko Moreno ang clearing operations sa Divisoria at Recto sa kanyang ikalawang araw sa pwesto.
Bahagi ito ng kampanya ng alkalde para linisin ang maruming lungsod at ibalik ang kinang ng kabisera ng bansa.
Kinalas ng mga awtoridad ang mga tindahan na dahilan ng pagsisikip sa Divisoria.
Ilan sa mga tindera ang nakiusap na bigyan pa rin sila ng espasyo sa kalsada upang makapagtinda dahil gutom umano ang kanilang aabutin.
Samantala, sa isang pulong balitaan araw ng Martes, ibinulgar ni Moreno na may grupong nais siyang suhulan ng aabot sa P5 milyon upang hindi paalisin sa kalsada ang mga street vendors.
“May mga nagparating lang sa akin na mensahe na P5 million a day, P150 million a month, P1.8 billion a year,” ani Moreno.
Natukoy na ng alkalde kung sino ang mga nasa likod ng panunuhol.
Samantala, sa entrapment operation sa Blumentritt, arestado ang dalawang indibidwal na umano’y nangongolekta ng pera sa mga tindero at nagpapanggap na taga-ciy hall.
Hamon ni Moreno sa mga mangongotong na huwag siyang subukan.
Tiniyak naman nito na papayagan pa rin makapaghanapbuhay ang mga tindero pero kailangang alinsunod ito sa mga ligal na proseso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.