LOOK: Memes ni Dimples Romana aka ‘Daniela Mondragon’ viral sa social media

By Rhommel Balasbas July 03, 2019 - 12:30 AM

Courtesy of Percy Sledge Agbunag Carballo

Mainit at pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang kwelang mga memes tungkol sa karakter ni Dimples Romana sa Kapamilya teleserye na ‘Kadenang Ginto’.

Ito ay matapos ilabas ang trailer ng Season 3 ng nasabing serye kung saan makikita si Daniela Mondragon, ang karakter ni Dimples na suot ang isang red dress, may dalang bahage at naglalakad sa kalsada.

Representasyon ito ng pagbaliktad ng mundo ni Daniela matapos ang mga ginawang kasamaan laban kay Romina, na karakter naman ni Beauty Gonzales.

Ang naturang trailer ay trending sa YouTube at mayroon nang halos 3.2 million views.

Hindi pinalampas ng mga Pinoy ang nasabing trailer at ginawan ng memes si Daniela na tila halos nalibot na nito ang buong Pilipinas.

Ilan sa mga memes ay dinala ang karakter sa mga lalawigan; sa ilang mga okasyon tulad ng pista at prusisyon; at kalamidad tulad ng pagbaha.

Hindi naman ‘offended’ si Dimples sa mga memes at para sa kanya ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng fans.

Hinahangaan ang aktres sa husay sa pagganap mula sa kanyang karakter bilang ‘Amanda’ sa ‘The Greatest Love’, ‘Babaylan’ sa ‘Bagani’ at ngayon bilang si ‘Daniela Mondragon’ sa Kadenang Ginto.

Sa kanyang Instagram post, ipinahayag ni Dimples ang lubos na kasiyahan sa pagmamahal ng fans at hinimok ang mga ito na ipagpatuloy ang pagkakalat ng kasiyahan.

 

View this post on Instagram

 

You guys 💋❤️😘💯 Trending Amanda in The Greatest Love, Trending Babaylan in Bagani and now Daniela in Kadenang Ginto ❤️❤️❤️ Ang sarap nyong magmahal my KG fans!!! Fun, creative and super certified Pinoy humor ❤️👍 Tama ito! Let’s flood the world with happiness and positivity 😊 ang galing galing ninyo!!!! Happy na happy ako 🌹😊

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on Jul 1, 2019 at 3:02am PDT






TAGS: Dani gurl, Daniela Mondragon, Kadenang Ginto, Memes, Romina Mondragon, Dani gurl, Daniela Mondragon, Kadenang Ginto, Memes, Romina Mondragon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.