GMA Network, natapos na ang imbestigasyon sa aksidente ni Eddie Garcia
Natapos na ng GMA Network ang isinagawang imbestigasyon sa kinasangkutang aksidente ng yumaong beteranong aktor na si Eddie Garcia.
Inanunsiyo ito ng Kapuso network, araw ng Martes (July 2).
Gayunman, sinabi ng GMA na hiniling ng pamilya ng aktor na bigyan mo muna sila ng kopya ng resulta ng imbestigasyon bago ilabas sa publiko.
Pumanaw si Garcia noong June 20 sa edad na 90 matapos ang halos dalawang linggong pagka-comatose.
Nagtamo si Garcia ng neck fracture makaraang matisod sa cable wire habang nasa taping ng bago sana nitong teleserye na “Rosang Agimat.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.