Paghahain ng impeachment complaint, hindi krimen – CHR

By Angellic Jordan July 03, 2019 - 12:00 AM

Iginiit ng Commission on Human Rights (CHR) na hindi maitututing na krimen ang paghahain ng impeachment complaint.

Ito ay sa kabila ng naging banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aresto sa sinumang maghahain ng impeachment complaint laban sa kaniya.

Ayon kay Atty. Jacqueline Ann de Guia, batay sa 1987 Constitution, ang impeachment ay may kapangyarihang tanggalin sa pwesto ang isang opisyal ng gobyerno dahil sa paglabag sa batas.

Maari aniyang magamit ang kapangyarihan bilang opisyal ng gobyerno basta’t pinapayagan ito ng Konstitusyon.

Dagdag pa nito, ang paghahain ng impeachment complaint ay isang karapatan ng mga Filipino.

Matatandaang inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Oscar Albayalde na aarestuhin ng kanilang hanay ang sinumang maghain ng impeachment case laban kay Duterte kung ipag-uutos ito ng pangulo at kung may makitang paglabag sa batas.

TAGS: Commission on Human Rights (CHR), Duterte impeachment, filing of impeachment not a crime, Commission on Human Rights (CHR), Duterte impeachment, filing of impeachment not a crime

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.