Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa Agusan del Sur, Martes ng gabi (July 2).
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang lindol sa 9 kilometers Northeast ng La Paz bandang 6:55 ng hapon.
May lalim ang lindol na 8 kilometers at tectonic ang origin.
Dahil dito, naramdaman ang intensity 2 sa bayan ng La Paz.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
READ NEXT
Verbal agreement nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping hindi uubra sa impeachment complaint
MOST READ
LATEST STORIES