Sen. Grace Poe gustong magkaroon ng ‘social media subject’ sa grade school at high schools
Ipinapanukala ni Senator Grace Poe na maging bahagi ng pag-aaral sa elementary at high school ang ‘social media awareness.’
Sa kanyang Senate Bill 129 o ‘Social Media Awareness in Schools and Universities Act of 2019,’ gusto ni Poe na maging responsable, produktibo at mapanuri ang mga mag-aaral sa paggamit ng social media.
Binanggit ng senadora na dapat ay may sapat na kaalaman ang mga kabataan para maiwasan ang pag-post nila ng ‘fake news’ o mga maling impormasyon sa kanilang social media accounts.
Ibinahagi nito na higit 10 oras ang itinatagal sa Internet ng mga Filipino , 79 milyon Filipino, simula edad 13 pataas ang may social media accounts at higit apat na oras silang aktibo sa mga ito.
Dagdag pa ni Poe, layon ng kanyang panukala na mamulat na ang mga kabataan sa maayos at tamang paggamit ng social media para sa pagbabahagi ng mga impormasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.