Term sharing sa Speakership, hindi maganda para bansa ayon sa ilang mambabatas

By Erwin Aguilon July 02, 2019 - 06:52 PM

Tutol ang ilang mga kongresista sa isinusulong na term-sharing na nais mangyari ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy, maganda lang ang term sharing sa mga nagnanais na maluklok sa pwesto sa Kamara subalit hindi sa mismong institusyon dahil maiksi lang umano ang tatlong taon sa pagitan ng dalawang Speaker at makakagambala lang ito sa institusyon.

Paliwanag ni Herrera-Dy, ito ay dahil ang pagbabago ng liderato ay kasunod din ng pagbabago ng committee chairmanship na makakagambala sa mga committee hearing kabilang na dito ang national budget.

Puna pa ng kongresista, katulad ng mga nagdaang liderato, naapektuhan ang budgetary process kaya biglang naapektuhan at na-delay ang 2019 national expenditure program.

Para naman kay Capiz Rep. Fredenil Castro, ang term-sharing ay pag-aaksya lang ng oras at oportunidad ng Kamara para magampanan ang kanilang tungkulin bilang tagagawa ng batas.

Giit pa ni Castro, masisira nito ang continuity ng trabaho ng institusyon kaya dapat na tigilan ang isyu ng term sharing dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi na hindi siya makikialam sa Speakership race at ipapaubaya na lang niya ang pagpili sa mga kongresista.

TAGS: Rep. Bernadette Herrera-Dy, Rep. Fredenil Castro, speakership, term sharing, Rep. Bernadette Herrera-Dy, Rep. Fredenil Castro, speakership, term sharing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.